100+ Halimbawa ng Pang-uri sa Pangungusap

Ano ang Pang-uri

Ang mga pang-uri o adjectives sa wikang Ingles ay salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

Here are examples of Pang-uri to help build your vocabulary of Filipino words. Each Pang-uri is shown in bold letter and is used in a sentence.

Narito ang higit sa 100 na Pang-uri at ang paggamit ng mga pang-uri sa pangungusap.

  1. Ang puso ay kulay pula.
  2. Malayo ang bahay nila.
  3. May tatlong paru-paro sa halaman.
  4. Mataas ang puno ng mangga.
  5. Si lola ay mapagmahal sa amin.
  6. Malamig ang simoy ng hangin.
  7. May dala akong anim na tinapay.
  8. Madumi ang silid ni kuya.
  9. Malakas ang ulan.
  10. Bilog ang bola.
  1. Makulay ang payong niya.
  2. Hugis-bituin ang parol.
  3. Ang sorbetes ay masarap.
  4. Makinis ang balat ng mansanas.
  5. Bago ang sapatos na gamit niya.
  6. Ang bulaklak sa hardin ay mabango.
  7. Maaraw sa labas.
  8. Matangkad ang kaklase ni Maria.
  9. Malungkot si ate ng umalis si nanay.
  10. Ang kakanin ay matamis.
  11. Maingay ang tunog ng tren.
  12. Natutuwa sa lolo sa batang magalang.
  13. Mabilis ang kabayo.
  14. Ang unan ay malambot.
  15. Mainit pa ang ulam sa mesa.
  1. Tahimik na natutulog ang sanggol.
  2. Matapang ang batay na aso.
  3. May dalawang ibon sa puno.
  4. Kulay dilaw ang keso.
  5. Masaya ang mga bata.
  6. Ang regalo ay malaki.
  7. Mabigat ang laman ng karton.
  8. Kulot ang buhok ng bata.
  9. Mabaho ang basura sa daan.
  10. Matao sa bayan tuwing fiesta.
  11. Ang damit ay malinis na.
  12. Ang mga isda ay sariwa.
  13. Si Anika ay mabait na bata.
  14. Mataba ang aming alagang pusa.
  15. Maraming puto ang kinain ni Gab.
  1. Ang guro namin ay matalino.
  2. Hinog na ang saging.
  3. Punuin ang bote ng kalahating litrong tubig.
  4. Malapad ang kalsada sa siyudad.
  5. Nasira ang gulong sa malubak na kalsada.
  6. Si Joel ay payat na bata.
  7. Sira na ang mga upuan.
  8. Lumalapit na ang maitim na ulap.
  9. Madilim ang paligid dahil sa brownout.
  10. Matalim ang kuko ng agila.
  11. Mahina ang tahol ng aso.
  12. Makapal ang pader ng kapitbahay.
  13. Masarap humiga sa malambot na kama.
  14. Mabato ang daan papunta sa sakahan.
  15. Kumuha siya ng tubig sa malalim na balon.
  1. Maikli na ang buhok ni Toto pagkatapos magpagupit.
  2. Magluluto si Millie ng pangkaing Italyano.
  3. Kumuha si Felipe ng manipis na papel. 
  4. Nakakita sila ng mahabang ahas.
  5. Malinaw ang tubig sa ilog.
  6. Si Teresa ay anak ng mayaman na negosyante. 
  7. Nakatago ang magarang damit sa aparador.
  8. Inakyat ng kambing ang matarik na bangin.
  9. Magaling na bata si Clara.
  10. Bumili si Anton ng murang laruan.
  11. Magkikita kami sa malawak na palaruan.
  12. Tinulungan nila ang matandang babae.
  13. Mapait ang ampalaya.
  14. Naghahanap sila ng masipag na labandera.
  15. Marunong magsalita ng wikang Frances si Nardo.
  1. Pinaayos ni Tata ang mapurol na gunting.
  2. Mabagal maglakad ang pagong.
  3. Masakit ang likod ni Anton sa kakalaro.
  4. Naging mahapdi ang sugat nang nilagyan ng gamot.
  5. Malansa ang isda na nabili ni Kim.
  6. Nakatulog si Gina sa tahimik na kwarto.
  7. Gwapo ang mga apo ni Jimmy at Noemi.
  8. Binabalikan nila ang malasang luto ng carinderia.
  9. Kulay-asul ang ibon sa sanga.
  10. Kinain ni Basti ang buong pizza.
  11. Ang kulay ng sapatos ay luntian.
  12. Hindi makita ni Alicia ang maliit na butones.
  13. Piliin mo ang pulang-pula mansanas sa tindahan.
  14. Maputik ang daanan tuwing umuulan.
  15. Paborito ni tatay ang malangis na adodong manok.
  16. Pinili nila si Sarah bilang isang matapat na tagapaglingkod.
  17. Gawa sa tunay na ginto ang alahas.
  18. Maliwanag ang silid dahil sa malalaking bintana.
  19. Kinamot ni Andrew ang makati na sugat.
  20. Hindi kinain ang matabang na ulam sa handaan.

  1. Makintab ang mahabang buhok ni Lena.
  2. Dapat pantay ang mesa bago patungan ng mga gamit.
  3. Nabasa ang damit dahil sa tunaw na yelo.
  4. Hindi nanalo ang mayabang na manlalaro.
  5. Marami ang hindi nakapasa dahil mahirap ang pagsusulit.
  6. Nalaglag ang kariton sa makitid na daan.
  7. Magastos sa pera ang anak ng hari.
  8. Maputla ang mukha ni Jane dahil sa kanyang nakita.
  9. Malabo na ang mga mata ni Lola Belinda.
  10. Hindi mabisa ang gamot na nabili para sa aso.
  11. Nasa huli ng pila ang magkaibigan.
  12. Lumbasa ang diwata sa mahiwagang puno.
  13. Malikot ang mga ibon sa hawla.
  14. Sumakit ang aking paa sa matigas na bakya. 
  15. Matipid sa gas ang bagong kotse.

2 thoughts on “100+ Halimbawa ng Pang-uri sa Pangungusap

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.